Latest News

Leachon, nagbitiw bilang special adviser sa non-communicable disease

By: Baby Cuevas

Opisyal na nagbitiw bilang special adviser on non-communicable disease sa Department of Health(DOH) si Dr.Tony Leachon.

Sa kanyang resignation letter namay. petsang Setyembre 11,2023 kay Health Secretary Teodoro Herbosa, sinabi ni Leachon na maingat niyang pinag-aralan ang kanyang naging desisyon .

Ito ay base sa kanyang personal na desisyon na sa kanyang palagay ay mas makakabuti sa kanyang sarili, sa kanyang pamilya at kinabukasan.


“This decision has not been made lightly, and it comes after much thought and consideration. I appreciate your kind understanding and support. I wish the DOH team continued succes in the future,” aniya..

Sa ibaba ng kanyang lagda inilagay ni Leachon na siya ay isang Independent Health Advocate.

Tags: Dr.Tony Leachon

You May Also Like

Most Read