Dahil sa pagwawala habang hawak Ang isang kutsilyo, kahapon ng umaga sa Old Sta. mesa St., Sta. mesa, Maynila arestado ang isang 38-anyos na Lazada delivery rider.
Tinangka pa ng suspek na si James Patrick Lumarque ng 3078 A.Reposo St., Sta. Mesa, Maynila, na takasan ang mga pulis na rumesponde at umaresto sa kanya.
Ayon sa Manila Police District-Station 8, alas-6:10 ng umaga nang magwala ang suspek at nagsisigaw nang “lumabas kayo mga p..ina nyo” habang hawak ang isang kutsilyo.
Nagsasagawa umano ng pagpapatrulya sakay ng motorsiklo sina PCpl Jayson Carcueva at Pat Aldrin Jose nang madaanan ang pagwawala ng suspek.
Nagpakilala umanong pulis ang dalawa at sinita ang suspek pero nagtangka pa itong tumakas subalit naaresto rin ng mga pulis.
Sinampahan ng kasong paglabag sa BP 6 kilala bilang illegal possession of deadly weapon sa Manila Prosecutors Office ang suspek.














