Law studes, obligadong mag-CLEP bago mag- bar exam

Oobligahin muna ang mga Law students na kumuha ng Clinical Legal Education Program (CLEP) bago payagan na kumuha ng bar examination.

Ayon kay UP CLEP director Atty.Theodore Te, ang CLEP ay isang training program kung saan papayagan ang isang estudyante na tumulong sa pagresolba ng mga kaso at isyung legal sa ilalim ng superbisyon ng isang abogado.


Kinakailangan na matapos ito ng estudyantr sa huling taon sa law school.

Una nang sinabi ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na CLEP ay makatutulong para.maitaas ang access ng publiko sa legal na serbisyo.

“Indeed, through the… CLEP we have increased access to justice and gave the poor and marginalized sectors of society an assured place in our judicial system,” giit ni Gesmundo. (Jaymel Manuel)


Tags: Clinical Legal Education Program (CLEP)

You May Also Like

Most Read