Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 14 ang isang miyembro ng “laslas-dukot” matapos ma mamukhaan ng biniktima niyang estudyante kamakalawa ng hapon sa Claro M.Recto,Sampaloc,Maynila.
Nadamba sa isinagawang follow-up operation sa may Sultan Street, .Madaluyong City dakong alas -7 ng gabi ang suspek na si David Solomon,47 , at taga #Blk H4 Lot 1 Area A Barangay San Luis, Dasmariñas Cavite.
Nabawi sa suspek ang IPhone 6S Plus ng biktima na si Jashmine Joy Esmail y Bantang, 20, CEU student, at taga 1985 UCB Residence, Rm. 304D Recto Avenue, Sampaloc, Maynila
Sa imbestigasyon ni PMSg Gilmen L Se,ng Police Station (PS-14) ,naganap ang insidente alas-4:20 ng hapon sa loob ng isang pampasaherong van sa Recto Avenue, Sampaloc, Maynila.
Sumakay umano ng van ang biktima habang ang suspek naman ay nagpapanggap na pasahero at nang makuha ang cellphone ng biktima sa kanyang sling bag ay kaagad na pumara at sinabi na nagkamali siya ng ruta na sinakyan.
Napansin naman ng biktima na nadukot ang kanyang cellphone kaya kaagad na humingi ng tulong sa pulisya.
Sa tulong ng mga asset ng pulis,natukoy ang kinaroroonan ng suspek na positibong kinilala ng biktima na siyang naglaslas sa kanyang sling bag at nandukot ng kanyang cellphone.
Sinampahan ng kasong theft sa Manila Prosecutor’s Office ang suspek. (Carl Angelo)