Lasing, umihi sa tabi ng nakaparadang mobile car, arestado

By: Baby Cuevas

Nakatikim ng aresto ang isang 25- anyos na lalaki matapos na mahuli sa aktong umiihi sa water drainage katabi ng naka-park na mobile car, kahapon ng madaling araw sa Binondo,Maynila.

Ayon kina PCpl. Jhancer Cabuenas at Pat .Adolfo P Catayas ng Gandara-police community precinct, alas- 4:10 ng madaling araw nang makita nila ang suspek na si Elmer Barahan, 25 at taga 1372 Bambang Street, Sta Cruz, Maynila, .sa harap ng Manila Police District-Station 11 na umihi sa water drainage katabi ng.nakaparadang mobile car.


Sinita umano nila ang suspek na noon ay lasing pero sa halip na humingi ng paumanhin sa kanyang ginawa ay pinagsalitaan pa umano nito nang hindi maganda ang mga pulis, dahilan para siya tuluyang arestuhin at kasuhan.

Ang suspek ay sinampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa Revised Ordinance 1054 o urinating in public places, RO 819-(half-naked) at RO 7498-(drunk and disorderly conduct) sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: Gandara-Police Community Precinct

You May Also Like