PATAY ang isang makulit na lalaking lasing nang diumano ay salakayin niya at tangkaing saksakin ang umaawat na pulis sa Sitio Luksuhon Brgy. Pinamasingan, San Pascual, Masbate.
Una rito, nakatanggap ng tawag ang mga pulis ng San Pascual Municipal Police Station mula sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office kaugnay pagwawala ng suspek na armado ng 14 inches bladed weapon .
Tatlong pulis ang rumesponde sa ginagawang pagwawala ng suspek na kinilalang si Salvador Delos Reyes y Petalvero, magsasaka at residente ng nabangit na lugar.
Isang Salvador Dela Cruz Jr. ang nagturo sa mga pulis sa nagwawalang si Delos Reyes na may hawak na kutsilyo .
Sa video footage ay makikitang pinakiusapan ng mga pulis ang suspek na bitawan na ang hawak na patalim subalit nagmatigas ito. Tumayo ito mula sa pagkaka upo at mabilis na tumakbo palapit kay PSsg Casi, ang pulis na nakikiusap .
Nagawa pang magpaputok ng “warning shot” ng alagad ng batas subalit hindi pa rin tumigil ang suspek kaya napilitan na itong barilin bago pa masaksak ang pulis .
Sa imbestigasyon bago inatake ng suspek ang pulis ay hinataw din nito ng kahoy ang kanyang kainuman na kinilalang si Ricardo Hervacio sa mukha na umaawat sa kanyang kakulitan .
“PRO5 laments the tragic loss of life in the recent incident in San Pascual, Masbate. We assure everyone that a thorough investigation will be conducted to ferret out the truth in order to accord justice to everyone. We implore the public to exercise restraint in making conclusions regarding this incident. We again seek your cooperation and support in realizing our goal of making our communities peaceful, orderly and safe”, ani PBGen. Jonnel C ESTOMO, RD, PRO5. (VICTOR BALDEMOR)














