Latest News

Lasing na Chinese national, nang-araro ng mga motorista, arestado

Nakorner ng mga tauhan ng Manila Police District – Tactical Motorized Unit ang isang 35-anyos na Chinese national na nam-bangga sa ilang motorista at nakipaghabulan sa mga awtoridad ,kamakalawa ng gabi sa Delpan Bridge sa Tondo,Maynila.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 4136 o Reckless Driving resulting in Multiple Damages of Property sa Manila Prosecutors Office ang suspek na si Clint Xerwin Kho, Chinese national at taga 494 Aguilar St., Edsa Balintawak, QC.

Ayon kay PMaj. Anthony Olgado ng Manila Disyrict Traffic Enforcement Unit (MDTEU), isang concerned citizen ang tumawag sa kanila dahil sa insidenteng kinasangkutan ng sasakyan ng suspek na may plakang POQ883, matapos umano nitong takbuhan ang kanyang mga binanggang motorista.

Kaagad na nagresponde ang mga awtoridad at hinabol ang suspek na nakorner sa Delpan alas-6 ng gabi.

Kabilang sa binangga ng suspek ang isang motorsiklo.na.may sakay na magkaangkas at ilang sasakyan sa kalsada ng Luna Recto, Dagupan, Moriones, J. Abad Santos at ilan pag lugar sa Tondo.

Dinala naman ang suspek sa Gat Andres Bonifacio Medical Center para sa AB alcoholic test at medical examination bago itinurn- over sa MDTEU para sa pagsasampa ng kaukulang kaso. (Jaymel Manuel)

Tags:

You May Also Like

Most Read