Largest taxpayer ng bansa na Lucky 8 Star Quest, nag-remitt ng P2.6 B sa gobyerno

TINUTURING bilang pinakamalaking taxpayer ng bansa ngayon ang Lucky 8 Star Quest dahil sa loob lamang ng isang taon at kalahating operasyon nito ay nakapag-remit na ito sa gobyerno ng P2.6 billion.

Sa pamamagitan ng corporate social responsibility (CSR) arm ng Lucky 8 Star Quest na Pitmaster Foundation Inc. kung saan si Ginoong Charilie ‘Atong’ Ang ang siyang Chairman, ay nakapag nakapag-donate na ito nang mahigit na P955 million sa iba’t-ibang programa kabilang na ang pagtugon sa Covid 19 at vaccination, mga gamit sa ospital at rehabilitasyon, disaster at hunger relief, livelihood assistance at iba pang programa.

Si Atty. Caroline M. Cruz ang executive director at buong pagmamalasakit na nagpapatakbo ng Pitmaster Foundation na isang national charitable organization.


Ang nasabing foundation ay may malakas at matatag na relasyon sa mga komunidad at institutional partners. Ito rin ay isa sa pinakamalaking private sector na pinagmumulan ng medical at financial assistance para sa mga mahihirap.

Nabatid na noong unang taon ng liderato ni Ang at ng director nito na si Atty. Cruz, ay nag-ikot sa buong bansa sa kabila na may umiiral na pandemya upang tulungan ang libolibong mga Filipino mula Luzon hanggang Mindanao.


Dahil dito ay nag-iwan ng marka bilang pakahulugan sa salitang PITMASTER na ang ibig sabihin ay “Providing Indigent Timely Medical Assistance Service and Targeted Emergency Relief”.

Nabatid pa kay Atty. Cruz, umabot na sa bilang na 13,000 Filipinos ang natulungan ng foundation sa pamamagitan ng dialysis treatments, isa sa napakalaking pabigat sa bulsa ng pamilya may pasyenteng may sakit sa kidney. Nakapagbigay na rin ito ng pagkain sa may 350,000 pamilyang Filipino, na siyang labis na kailangan sa panahon ng COVID-19 pandemic lockdowns.


Naglapasan na rin ng foundation ang sarili nitong record pagdating sa kanilang adhikaing tumulong. Ito ay nag-commit na magbigay ng isang ambulansya sa bawat isang lalawigan sa bansa. Habang sinusulat ito ay umabot na sa 137 mga ambulansya ang naipamigay na at patuloy sa pagtulong sa mga lalawigan na humihingi ng ayuda.

Sa mismong salita ng Presidente ng league of governors ng bansa: “the Foundation is always just one text away whenever they need help.”

Ayon pa kay Atty. Cruz, layunin ng foundation ang makatuwang ang gobyerno, civil society, at iba pang partners upang magkaroon ng katuparan ang misyon nito na direkta at buong pagmamalasakit na pagtulong sa mga Filipino na higit na nangangailangan.

Tags: PITMASTER

You May Also Like

Most Read