Aabot sa kabuuang halaga na P862-million na marijuana ang winasak ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines-Northern Luzon Command sa pangunguna ng Philippine Air Force Tactical Operation Group 2 sa lalawigan ng Kalinga.
Ayon kay Lt.General Fernyl Buca, pinuno ng AFP-NOLCOM, ang isinagawa nilang sampung araw na anti-narcotics operation na pinangunahan ng Philippine Army at Philippine Air Force ay masasabing “largest single marijuana eradication” sa kanilang kasaysayan kung saan binunot at sinunog ang mga marijuana sa isang plantation sa Mount Chumanchil sa Barangay Loccong at Barangay Buscalan sa Tinglayan, Kalinga.
Ayon sa ulat, may lawak na 195,100 square meters ang naturang marijuana plantation na mayroong aabot sa 3,349,500 piraso na ng mga fully- grown marijuana plants at 1,575kg ng mga tuyong dahon ng marijuana ang nasamsam .
Ayon kay NOLCOM Commander Lt. Gen Fernyl Buca, sa pagsisikap na masawata ang illegal drug activities sa buong Pilipinas kaya inilunsad nila ang COPLAN “HIGHLANDER” sa Mt. Chumanchil, sa Tinglayan gamit ang air asset ng Philippine Air Force at mga tauhan ng PAF TOG 2 kung saan nilipad ng choppers at palihim na ipinuslit sa kabundukan para gapangin ang plantasyon.
Ayon kay Lt.Gen Buca, ang pagsira sa mga halamang ito ay hindi lamang nakagambala sa supply chain ngunit nagsilbi rin na hadlang sa mga potensyal na magsasaka ng mga mapanganib na substance .
“The challenging terrain and remote location of Mt. Chumanchil demanded air insertion for effective logistical support, making the role of PAF TOG 2 instrumentals in the success of the mission,” ani PAF Spokesperson Col Ma Consuello B Castillo.
“Throughout the operation, TOG 2 headed by it’s Group Commander Col Glenn S. Piquero PAF (GSC) facilitated crucial air operations, including aerial reconnaissance, personnel insertion and extrication and transportation of necessary supplies and equipment using Black Hawk and Huey II helicopters and ensured safe and efficient airfield control and security during the mission,” ayon sa PAF.
Nakiisa sa COPLAN:HIGHLANDERS ang pinakamalaking marijuana eradication ng mga elemento mula sa Special Operations Unit Cordillera at Philippine National Police Drug Enforcement Group, katuwang ang iba’t-ibang law enforcement agencies at military units.