LARAWANG SUPORTADO NG ARMY 10TH INFANTRY DIVISION SI SENATOR BATO, AI LANG

AGAD na sinalungat ng pamunuan ng Philippine Army particular ang kanilang 10th Infantry Division na sinusuportahan nila ang puganteng Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa likod ng nagtatapos na ultimatum na ibinaba ng Philippine National police para sumuko ito ng mapayapa.

Ito ay kasunod ng pagkalat ng isang larawan sa social media na nagsasabing suportado ng Army 10th ID si Senator Bato Dela Rosa.


Malinaw umanong fake news ang pinakalat na larawan sa social media gamit ang artificial intelligence (AI) na maling nagpapakita na nagpapahayag ng suportang pampulitika ang mga tauhan ng 10th Infantry (Agila) Division ng Philippine Army para kay Senador Bato Dela Rosa.

Inilalarawan ng binagong larawan ang pagiging neutral sa politika ng mga tauhan ng militar sa pamamagitan ng paglikha ng pekeng pag-endorso na maaaring makapanlinlang sa publiko.

Kaugnay nito ay nanawagan ang 10th Infantry (Agila) Division sa publiko na manatiling mapagmatyag laban sa mga maling impormasyong nilikha gamit ang AI at mga binagong nilalaman.


Hinihikayat ang lahat na tiyaking nagmumula sa mga opisyal na mapagkukunan ang impormasyon bago magbahagi ng mga post na hindi pa beripikado. Layunin nitong maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon at mapangalagaan ang integridad ng Philippine Army.


Tags: Senador Ronald Bato Dela Rosa

You May Also Like

Most Read