ISINAILALIM sa lockdown ang Lanao del Sur Provincial Capitol Complex na nasa Marawi City matapos marinig ang putok ng baril sa lugar, isang araw pagkatapos ng 2022 elections.
Nananatiling hindi malinaw ang eksaktong dahilan sa likod ng mga putok ng baril pero naganap ang kaguluhan sa pagitan ng mga tagasuporta ng magkaribal na kandidato sa pagka-alkalde mula sa bayan ng Butig.
Isang grupo rin ng mga tagasuporta ang nagtanong kung bakit dinala sa complex ang mga Vote Counting Machine (VCMs) mula sa bayan.
Kahapon, Mayo 9 nang iulat ng mga awtoridad na anim ang nasawi sa Lanao del Norte dahil sa mga marahas na insidente na may kaugnayan sa botohan.