“Mariin kong kinokondena ang ginawang pag-ambush kay Gov. Bombit at sa kanyang mga kasamahan. Agad akong nagbigay ng direktiba sa PNP na magsagawa ng manhunt operations upang agad na mahuli ang mga suspek sa insidenteng ito.”
Ito ang ibinabang pahayag kahapon ni Department of the Interior and Local Government Secretary Atty. Benjamin Abalos, Jr., kasabay ng utos sa Philippine National police na makipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines para maresolba agad ang naganap na pananambang kay kay Lanao del Sur Governor Mamintal “Bombit” Alonto-Adiong, Jr., at kanyang mga kasamahan sa bayan ng Maguing, Lanao del Sur.
Sa kanyang direktiba, inatasan ni Abalos ang PNP na agad magsagawa ng manhunt operations upang mabilis na mahuli ang armadong grupo na nanambang kina Gov. Alonto-Adiong, Jr., na ikinamatay ng apat na police escort.
Ani Abalos, bagama’t sugatan ay nakaligtas si Gov. Bombit subalit nasawi ang ilan sa kanyang mga kasamahan sa insidente na ikinasugat din ni Ali Macapado Tabao, isa sa mga staff ng gobernador.
Agad na nadala ang mga sugatan sa Bukidnon Provincial Hospital sa Kalilangan town, .
“Bagamat nakaligtas si Gov. Bombit, napakalungkot na nasawi ang ilan sa kanyang mga kasamahan sa insidente. Lubos kaming nakikidalamhati sa pamilya ng mga nasawi at asahan niyo na hindi titigil ang kapulisan hanggang hindi nahuhuli at nabibilanggo ang mga suspek,” ani Abalos. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)














