Lalaking wanted sa ‘frustrated murder,’ arestado sa MPD

By: Baby Cuevas

Arestado sa mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 2 kamakalawa sa Moriones St. Bgy.5, Tondo Maynila, ang isang 19-anyos na lalaki na mahigit apat na taon nang nagtatago sa kanyang kasong frustrated murder.

Nasa kustodiya ng MPD-PS 2 ang suspek na si Leonard Garcia, ng 1237I Bambang St., Tondo Maynila, matapos maaresto alas-3 ng hapon sa nabanggit na lugar.

Nabatid na 15 anyos pa lamang ang suspek nang makasuhan ito hanggang sa lumabas ang arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Emily Gaspar-Gito ng Manila RTC Br.5 na.may petsang Oktubre 16,2019.


Inirekomenda ng korte ang P200,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Samantala, nakatakdang i-turn over sa korte ang suspek para sa.disposisyon ng kaso nito.



Tags: Manila Police District-Police Station 2

You May Also Like