Matapos na tumakas mula sa pagkaka-confine sa isang ospital ay tuluyan nang namatay ang isang 52-anyos na lalaki na una nang nagpa check-up sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC).
Napag-alaman na Isang concerned citizen ang nag-report sa Manila Police District – Station 12 ukol sa pasyente na natagpuang walang buhay habang nakahiga sa bangketa sa harap ng nasabing ospital kahapon ng madaling araw, sa Delpan Street, Tondo, Maynila.
Diumano, ipinasok sa.pagamutan ang biktima na kinilala ini Audrey Sheryl Cruz, 44,duty nurse sa GABMMC, na si Jose Rumbawa, 52, ng Baseco, Port Area, Tondo, Maynila.
Nagrereklamo umano ang pasyente na nahihirapan siyang huminga, nang magtungo ito sa ospital alas 4:20 ng madaling araw.
Matapos isailalim sa oberbasyon ang pasyente at painumin ng gamot, umalis umano ito ng ospital dahil ayaw magpa-confine.
Sa labas ng ospital ay binawian ito ng buhay at dinala ang kanyang katawan sa isang funeral home para sa safekeeping.














