LALAKING PUTOL ANG KAMAY, HULI SA BUY-BUST

By: Baby Cuevas

Isang lalaking putol ang kamay ang arestado dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Quirino Ave. Extension Corner Canonigo St., Brgy 824 Zone 89 sa Paco, Maynila.

Nasa kustodiya ng Manila Police District-Police Station 10 ang suspek na si Harley Quirante,43, miyembro ng Sputnik gang, ng 1534 A Int 3 Canonigo St Brgy 824 Zone 89 Paco Maynila.


Alas -2:06 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust operation sa nabanggit na lugar.

Nakumpiska sa suspek ang may 20.7 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P140,760 at P500 na marked money.

Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9610 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: Manila Police District-Police Station 10

You May Also Like