Latest News

LALAKING NAGLIGTAS SA 2 BAKA, PATAY

NATAGPUAN na ang nawawalang bangkay ng isang lalaki na tinangay ng agos nang tangkain niyang itawid sa kabila ng ilog ang dalawang alagang baka sa lalawigan ng Benguet , ayon sa pulisya nitong nagdaang lingo.

Sa ulat ng Benguet PNP ay kinilala ang biktima na si Mateo Dal-it, 46 anyos.


Natagpuan ang bangkay nito matapos ang tatlong araw na search and retrieval operation sa Bakun River sa Barangay Poblacion, Bakun.

Sa record ng mga awtoridad , dakong alas-9 ng umaga ng Miyerkules, August 17 nang i-report ang umano’y pagkalunod ng biktima.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ng PNP, sinusubukang itawid ni Dal-it sa ilog ang dalawang baka nang tangayin siya ng malakas na agos ng tubig. Nakita ang kanyang bangkay 150 metro mula sa lugar kung saan siya sinasabing tinangay ng agos ng tubig. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Benguet PNP

You May Also Like