Latest News

LALAKING NAGBUNOT NG BARIL AT NAGPAKILALANG TAGA-NBI, IPINATATAWAG NG DOJ

IPINATATAWAG na ng Department of Justice (DOJ) para sumailalim sa imbestigasyon ang lalaki na nakita sa isang viral video na nanutok ng baril ng isang motorista at nagpakilalang tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Tahasang itinanggi rin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tauhan ng NBI ang naturang lalaki makaraan ang kanilang berepikasyon sa pagkakakilanlan niya.

“He is now facing possible charges for violation of the Comelec gun ban, grave threat, coercion, usurpation of authority, and illegal possession of firearm,” saad ni Guevarra.


Itinakda ang pagpapatawag sa naturang lalaki sa darating na Hunyo 17.

Sa nag-viral na video, kita na pinagagalitan ng lalaki ang driver na sakay pa ng kaniyang kotse habang nakasukbit ang baril sa kaniyang tagiliran. Narinig rin na nagpakilala siya na taga-NBI.


Iginiit ng driver na wala siyang bayolasyon para hulihin at hingan ng lisensya ng lalaki na umano’y nagalit lang nang ma-ovetakean niya siya. Nagpakilala naman ang motorista na tauhan naman ng Office of the President.


Tags: Department of Justice (DOJ)

You May Also Like

Most Read