Patay ang isang 28- anyos na lalaki ms pinaniniwalaang dumaranas ng depresyon, matapos na magbigti gamit ang isang cable wire, kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.
Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Joel Tocayao, ng No.987 Gate 4 Area B, Parola, Tondo, Maynila subalit hindi na ito naisalba pa ng mga doktor.
Sa imbestigasyon ni PCpl. Gary Reyes ng Manila Police District -homicide section, natagpuang nakabigti ang biktima ng kanyang pamangkin alas- 5:30 ng hapon sa loob ng kanilang bahay.
Huling nakitang buhay ang biktima alas- 5 ng hapon habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan.
Ayon sa ina ng biktima, ilang beses na umanong nagtatangkang magpakamatay ang biktima at kapag ito ay nalalasing ay sinasaktan ang kanyang sarili.