LALAKING IBINASURA SA QUEZON, ISANG DRUG PERSONALITY

Inihayag ng Pagbilao, PNP matapos na drug personality ang bangkay na ibinasura ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa gilid ng highway ng Pagbilao, Quezon noong umaga ng Sabado matapos itong kilalanin ng kanyang mga kamag-anakan.

Ayon sa Pagbilao Police, kinilala ng kaniyang mga kamag-anak ang biktima na si Arnold Pontiveros, residente ng Lucena City naunang inulat na nawawala noong gabi ng Biyernes.


Lumabas sa imbestigasyon ng Pagbilao police na nakulong ang biktima noong 2019 at 2020 dahil sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga sa Lucena.

Magugunitang nitong nagdaang Sabado ng umaga ay tumambad ang bangkay ng isang lalaki sa gilid ng kalsada sa Barangay Silangang Malicboy, malapit sa Quezon Old Zigzag Road. May tama ito ng dalawang bala sa ulo at hinihinalang biktima ng summary execution.

Blangko pa ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng mga salarin at motibo ng pamamaslang, maliban sa sinasabing isa ito umanong drug personality sa nasabing lalawigan. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Pagbilao Police

You May Also Like