LALAKI, PATAY SA PANANAMBANG

By: Victor Baldemor Ruiz

DEAD -on- arrival sa pagamutan ang isang 34-anyos na lalaki matapos siyang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang ‘riding in tandem liquidators’ sa Sitio Sagsagat, Brgy. Cuantacla, Cabugao, Ilocos Sur.

Sa ulat ng Ilocos Sur PPO, Sabado ng umaga nang likidahin ang biktima na kinilalang si Jerwin Inofinada y Rodrigo, may asawa, residente ng Brgy. Carusipan, ng naturang bayan.


Lumilitaw sa pagsisiyasat na binabagtas ng biktima ang kahabaan ng national road sa bisindad ng Barangay Cuantacla lulan ng kanyang Yamaha Ego Solariz motorcycle nang sundan ito at pagbabarilin ng naka-motorsiklong salarin o mga suspek.

Agad namang nasaklolohan ang biktima ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk reduction Management Office at itinakbo sa Pira Clinic and Hospital , subalit idineklarang patay na ito nang idating sanhi ng multiple gunshot wounds ,sa kanyang katawan, ayon sa attending physician.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para kilalanin ang mga salarin at tukuyin ang motibo sa pamamaslang.


Tags: Ilocos Sur PPO

You May Also Like