LALAKI, PATAY SA MINING TUNNEL

ISANG lalaki ang namatay matapos matabunan ng lupa sa isang hinuhukay na mining tunnel sa bayan ng Governor Generoso, Davao Oriental, Lunes ng umaga.

Kinilala ng municipal disaster risk reduction and management office ang nasawi na si Romeo Del Campo Jr., na na-trap sa hinihinalang treasure pit sa Barangay Poblacion, .


Pinagtulungan na mailabas ng gumuhong tunnel ng mga rescuer ng MDRRMO , bumbero, pulis, at mga residente na nagtulungan ang lalaki na wala nang malay.

Isinugod pa sa Davao Oriental Provincial Hospital – Gov. Generoso ang biktima pero patay na itong dumating.

Itinatayang mahigit 20 talampakan ang lalim ng tunnel, subalit hindi inihayag ng mga awtoridad kung legal ba o awtorisado ang ginagawang paghuhgukay sa area. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Davao Oriental Provincial Hospital - Gov. Generoso

You May Also Like

Most Read