Latest News

Lalaki, patay sa dating kinakasama ng dyowa

May ilang oras pa na nakipagbuno kay kamatayan ang isang 25-anyos na lalaki na sinaksak ng dating ka-live in ng kanyang “jowa” matapos.na maaktuhang magkatabi sa higaan ,kamakalawa ng umaga sa Tondo,Maynila.

Kinilala ang biktima na si Jean Syrus Buenafe,22 ,tricycle driver at taga 3532 G.Santiago St. Bo.Obrero,Tondo,Maynila na nasawi dahil sa tama ng saksak sa katawan, habang itinurn-over naman sa Manila Police District-homicide section ang suspek na si Eyrie Elgie Jacobe,25,taga 2787 R.Cruz,Gagalangin,Tondo.

Naganap umano ang insidente alas-10:30 ng umaga sa bahay ni Trisha Uñamayor na dating ka -live in ng suspek sa 2809 P.Fronda St.Gagalangin,Tondo.

Sa imbestigasyon ni PSSg Arvy Macaraig ng MPD-homicide section, pumunta umano ang suspek sa bahay ng dating ka-live in at pagpasok sa kuwarto ay nakita nito si Uñamayor na nakahiga katabi ang biktima.

Sa sobrang pagseselos, pumunta umano ang suspek sa kusina at kumuha ng kutsilyo at saka tinarakan ang biktima ng saksak.

Nagawa pang makipagbuno ng biktima bago naihatid sa pagamutan pero nasawi rin alas 6:25 ng gabi.

Sinampahan naman ng kasong murder sa Manila Prosecutor’s Office (MPO),ang suspek na humingi ng tawad sa pamilya ng biktima dahil aniya ay nadala lamang siya ng sobrang selos. (Philip Reyes)

Tags:

You May Also Like

Most Read