NASAWI dahil sa tama ng bala ang isang lalaki habang sugatan naman ang isang 14-anyos na binatilyo nang tamaan ng ligaw na bala, matapos barilin ang una ng isang gunman na nakasakay sa motorsiklo kahapon ng hapon sa Balut, Tondo, Maynila.
Ayon sa paunang ulat ng Smokey Mountain Police Community Precinct, hindi pa nakikilala ang nasawing biktima na nakasakay sa motorsiklo na Mio Sporty na may plate number 806UBT, habang isinugod naman sa Tondo Medical Center ang biktimang si John Nathan Badanoy y Flores, 14, na tinamaan ng ligaw na bala.
Naganap umano ang insidente alas-4 ng hapon sa harap ng bahay sa 220 Nepa Street, Brgy 141 Balut Tondo, Maynila.
Ang biktima ay nakasakay umano sa kanyang motorsiklo nang biglang lumitaw ang suspek at saka binaril nang malapitan ang biktima.
Matapos niyan, ang suspek ay mabilis na sumakay sa isang Honda CRV color mettalic gray na motorsiklo na may plate number NEZ 274.
Dumiretso umano ito sa direksiyon ng H Lopez Blvd Balut Tondo Maynila.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang salarin at malaman ang motibo sa nasabing pamamaril.