Latest News

Lalaki, patay sa bangga ng van

Nasawi matapos tumilapon nang may dalawang metro ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos na mabangga ng isang van, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Inilarawan ni PSSg Johnny Acebes ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU),ang biktima na nasa 46, may taas na hanggang 5’5”, nakasuot ng itim na t-shirt at dark blue na shorts at may tattoo sa kanang balikat.

Nasa kustodiya na ng MDTEUang driver ng Nissan NV350 van na may plakang OV 1896 na si Eriberto Carlos, 48, ng Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Ayon kay Acebes, alas-2:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa kanto ng Laon-laan at Antonio Streets sa Sampaloc.

Lumitaw sa imbestigasyon na binabaybay ng van ang eastbound lane ng Laon-laan Street nang pagsapit sa pedestrian lane sa kanto ng Antonio Street ay mahagip nito ang biktima.

Isinugod ni Carlos ang biktima sa Philippine General Hospital pero binawian ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas ng mga doktor.

Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Carlos sa Manila Prosecutors Office. (Arsenio Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read