Agad na namatay ang isang lalaki matapos saksakin ng kanyang nakaalitan sa Rodriguez, Rizal Linggo ng gabi.
Naisugod pa sa Casimiro Ynares Hospital ang biktimang si Rogelio dela Fuente ngunit binawian rin ng buhay dahil sa tama ng saksak sa dibdib.
Samantala, nakatakas at tinutugis na ng mga pulis ang suspek na nakilala lang na si Jomarie Quiñonez, na nakatakdang sampahan ng kasong pagpatay sa piskalya.
Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa Sitio Harangan, Gulayan, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.
Lumilitaw sa imbestigasyon na bago ang krimen ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa magbunot ng patalim ang suspek at tinarakan sa dibdib ang biktima.