Latest News

LALAKI, NIRATRAT SA HOTEL ENTRANCE, PATAY

By: Baby Cuevas

Namatay noon din ang isang 37- anyos na lalaki matapos itong pagbabarilin diumano ng kanyang dating nakaalitan, habang siya ay nasa entrance ng isang hotel, kamakalawa ng gabi sa Quiapo, Maynila.

Dinala pa subalit patay na nang idating sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang biktimang si Dagaranao Didato y Capal, ng Alabastro Street , San Andres Bukid, Maynila.

Arestado naman ang suspek na si Raymond Romano, 40, ng Barangay Sto. Cristo, Towerville, San Jose Del Monte, Bulacan, nang makita ng mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) na tumatakbo at may hawak na baril.


Naganap umano ang insidente alas-10:50 ng gabi sa entrance ng Shariff Mansion sa Gunao St., Quiapo, Maynila.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District – Homicide Section, ang insidente ay nasaksihan umano ng tiyuhin ng biktima na nagsabing binaril ang pamangkin habang nakatalikod at sinundan pa ng tatlong putok.

Ayon sa pulisya, lumang alitan ang itinuturong motibo sa pagpaslang sa biktima.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read