Lalaki, niratrat, patay; estudyante, sugatan sa ligaw na bala

By: Baby Cuevas

Nasawi ang isang 51 -anyos na lalaki matapos na paulanan ng bala ng isa sa tatlong suspek habang nakatayo sa isang tindahan, kamakalawa ng gabi sa may Helping Aroma Compound, Tondo, Maynila,.habang tinamaan naman ng ligaw na bala sa hita ang isang 14- anyos na estudyante.

Idineklarang dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si Raffy Tejas, dahil sa tama ng bala sa dibdib, habang isinugod naman sa ospital dahil sa tama ng bala sa hita ang biktimang si Ivander Castante, estudyante. Kapwa sila nakatira sa nabanggit na lugar.


Ayon kay PCapt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District -homicide section, naganap ang insidente alas -6:57 ng gabi.

Nakatayo umano si Tejas sa harap ng isang tindahan nang dumaan ang dalawang suspek at itinuro ang biktima sa pamamagitan ng. paghubad sa kanyang sumbrero.

Kasunod nito ay dumaan ang isa pang suspek na may dalang bayong at sunod-sunod na pinaputukan ang biktima na nakatakbo pa sa eskinita at pumasok sa bahay ng kanyang pinsan kahit na sugatan. Mabilis namang tumakas ang tatlong suspek.


Kapwa isinugod ng kanilang kaanak sa pagamutan ang dalawang biktima.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang mga suspek at malaman ang motibo ng pagpaslang.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like