Lalaki, niratrat habang nasa motorsiklo, patay

By: Baby Cuevas

Agad na nasawi ang isang di pa nakikilalang lalaki matapos barilin ng limang beses ng isang lalaking suspek, habang nagmamaneho ng motorsikl kahapon ng madaling araw sa panulukan ng Yuseco at Makata Streets sa Sta. Cruz, Maynila.

Inilarawan ni PCpl Gary Reyes, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, ang biktima na nasa edad 30-35 nakasuot ng kulay maroon na jersey, maong na short, puting sinelas at may tattoo sa dibdib na ‘Very sinful life’ at ‘Mercy’.


Naganap umano ang insidente alas- 12:20 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Nakita sa record ng CCTV na nakasakay ang biktima at dalawang suspek sa motorsiklo at nag-uusap pa pero pagsapit sa nabanggit na lugar ay nakita na ang suspek na nakaback-ride, bumunot ng baril at saka pinagbabaril ang biktima.

Bumagsak ang biktima sa motorsiklo at namatay noon din.


Kasalukiyang inaalam ng pulisya ang pagkakilanlan ng biktima at mga suspek na bumaril sa kanya.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like