Namamaga na ang katawan ng isang lalaki nang matagpuang lumulutang sa Pasig River sa ilalim ng Delpan bridge, kamakalawa ng hapon sa Binondo,Maynila.
Nabatid na sinagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard -Sub Station 1 na nasa lugar,ang biktima na inilarawang nasa edad 20-25,nakasuot ng kulay asul na long sleeve at underwear.
Ayon kay PSMS Jansen Rey San Pedro,imbestigador ng Manila Police District-homicide section,alas- 5:20 ng hapon nang makita ni CGASN Ernie Bughao ng Delpan Sub-station 1 ang nakalutang na bangkay habang nagsasagawa ng routine inspection.
Kaagad itong itinawag sa istasyon ng PCG at sinagip ang bangkay bago itinawag sa MPD homicide section.
Dinala naman ang bangkay sa funeral parlor para sa awtopsiya at safekeeping.














