LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA HOTEL

By: Baby Cuevas

NATAGPUANG patay ang isang 57-anyos na lalaki sa loob ng kanyang nirentahang kwarto sa isang hotel sa Rizal Avenue, Sta Cruz, Maynila.

Kinilala ni PCpl Charles dela Torre, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, ang biktimang si Jose Aspiras, ng No. 1316 Musa St., Sampaloc, Maynila.


Napag-alaman na alas-2:40 ng madaling araw nang tumawag ang isang miyembro ng hotel staff sa MPD-homicide section para ipaalam ang pagkamatay ng isang customer sa kanilang hotel.

Nagcheck -inn umano ang biktima alas- 2:40 ng hapon para sa 12 oras na pananatili doon, noong Pebrero 28, 2024.

Pinuntahan umano ito ng housekeeper para ipaalala na tapos na ang kanyang oras pero hindi ito sumasagot kaya napilitan ang hotel staff na gamitan ng duplicate key ang kanyang kwarto..


Nang mabuksan ang pinto ay tumambad sa kanila ang nakahigang biktima na nakasuot ng kulay itim na t-shirt at itim na pantalon.

Wala namang nakitang sugat sa katawan ng biktima kaya hinihinalang sakit ang sanhi ng pagkasawi nito.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Latest News