AGAD na nasawi at basag ang bungo ng isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos na tumalon mula sa footbridge sa España Boulevard, Sampaloc, Maynila.
Inilarawan ni PCapt.Dennis Turla,hepe ng Manila Police District -homicide section, ang biktima na nasa edad 20-30, nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt,gray maong at itim na rubber shoes.
Sinabi ni Turla na hindi nila matukoy ang pagkakilanlan ng biktima dahil wala itong dalang wallet o maging cellphone.
Ayon kay Mark Lester Angeles, Grab rider, nakasakay siya sa kanyang bisikleta ala- 1:25 ng hapon nang makarinig siya ng malakas na kalabog at nang tingnan ay nakita niya ang biktima na nakadapa at duguan ang ulo.
Rumesponde ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) na pinamumunuan ni Arnel Angeles pero wala nang buhay ang biktima.














