Latest News

Lalaki, naghubo nang arestuhin ng MPD

By: Carl Angelo

Isang lalaking may arrest warrant dahil sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code at kilala ring sangkot sa holdapan ang naghubo nang dinakip kahapon ng hapon sa Lawton, Ermita,Maynila ng mga operatiba ng Manila Police District -Lawton Police Community Precinct.

Tinakpan lang ng sako ng mga pulis,ang ibabang bahagi ng katawan ng suspek na si Elpidio Dominguez Labasbas na naghubo nang makita ang mga pulis na aaresto sa kanya.

Nangyari ang insidente pasado ala- 1 ng hapon sa nabanggit na lugar matapos na mamataan ang suspek at nang arestuhin ay bigla itong naghubo.

Sa kabila nito,itinuloy pa rin ang pag aresto sa suspek at pinosasan nang nakahubo at game naman na naglakad papuntang PCP .

Nabatid na ang suspek ay kinasuhan dahil sa paglabag sa BP 881 ng Omnibus Election Code matapos nitong magparehistro ng ilang beses para makaboto.

Inirekomenda ni Caloocan RTC Presiding Judge Manuel Barrios, ng Branch 126 ang P36,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Tags:

You May Also Like

Most Read