Latest News

LALAKI, NAGBAYAD NG PEKENG PERA, PINATAY

By: Baby Cuevas

Agad na nasawi ang isang 42- anyos na lalaki Linggo ng gabi sa Tondo, Maynila.matapos pagbabarilin ng siyam na beses ng mga suspek na diumano ay binayaran niya ng pekeng pera.

Sa ulat ng Manila Police District -homicide kay MPD Director Arnold Thomas Ibay, nasawi ang biktimang si Gerry Calilap, ng 1941 C2 Capulong St., Tondo, Maynila dahil sa mga tama ng bala sa iba’t- ibang bahagi ng katawan, habang ginagamot sa Tondo Medical Center alas- 8:02 ng gabi.


Patuloy na pinaghahanap ang mga suspek na sina Andrew Villaflor, ng No. 47 Magsaysay St., Barangay 120 Tondo at Jerson Sonajo alyas Dong, 30, ng No. 13 Model St., Brgy. 119 Tondo.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa may kanto ng Quezon at Perla Street sa Brgy. 120, Tondo kung saan bumibili ng pagkain ang biktima na sikretong sinundan ng mga suspek.

Nahagip ng CCTV na nakita ang mga suspek na kinukompronta ang biktima at kasunod nito ay nakitang hinahabol na ito ng mga suspek.


Ilang sandali pa ay nakita ang biktima na nakahandusay at isinugod sa pagamutan.

Batay sa nakuhang impormasyon ng pulisya sa lugar,sangkot umano ang biktima sa pagkakalat ng pekeng pera kaya pinagbabaril ito ng mga suspek.


Tags: Manila Police District-homicide

You May Also Like