Arestado ng PNP-Aviation Security Group ang isang 25-anyos na lalaki matapos ireklamo ng isang babae na nahuli siyang nagrerecord habang nasa loob ito ng female restroom sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) cargo facility.
Dinakip ang suspect matapos maaktuhan ng biktima na nagvi-video ito habang nasa loob siya ng restroom, dahilan upang habulin niya ito ay komprontahin.
Humingi rin ito ng tulong sa pulis na siyang dumakip sa suspect Naganap ang insidente noong March 10, 2026.
Nakumpirma ang bintang ng biktima nang makita ang video niya na naka-save sa cellphone ng suspect.
Ang suspect ay nasa kustodiya na ngayon ng PNP-AVSEGROUP habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9995, o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, laban sa kanya.
Nagpaalala naman si PNP-AVSEGROUP Director PBGEN Dionisio Bartolome, Jr. sa publiko na “recording a person without consent and invading someone’s private space are serious crimes.”














