Latest News

LALAKI, ARESTADO SA PAGA-AMOK AT TANGKANG PAGSAKSAK SA CHAIRMAN

By: Baby Cuevas

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang isang lalaki matapos maghamon ng gulo at tinangka pang saksakin ang isang barangay chairman, sa Sampaloc, Maynila.

Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa Manila Prosecutors Office ang suspek na kinilalang si Ruelito Mateo , 28, miyembro ng Bahala na Gang at residente ng no. 1454 San Diego St., Sampaloc, Manila, dahil sa paglabag sa Article 155 (Alarm and Scandal) at Article 148 (Direct Assault to a Person in Authority) kapwa ng Revised Penal Code at Section 5 (Possession of Stolen Properties) ng Presidentioal Decree 1612 (Anti-Fencing Law).

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District-Station 4, dakong ala- 1:30 ng hapon ng Mayo 20, 2023 nang arestuhin ang suspek sa Simoun St., corner San Diego St., Brgy. 499, Zone 49, Sampaloc, Manila


Mismong ang biktima ng tangkang pananaksak na si Romeo Garcia, 64 chairman ng Barangay 499 Sampaloc, Manila, kasama ang kaniyang Brgy. Ex-O, ang umaresto sa suspek na itinurn-over nila sa Sibama Police Community Precinct.

Lumabas sa imbestigasyon na habang armado ng patalim ang suspek ay nagwawala ito, kaya’t nahirapan ang mga tauhan ng nasabing barangay para pigilan ito. Habang nagwawala ay tinangka pa umanong saksakin ng suspek ang chairman at tumakbo, na hindi naman pinalagpas ng mga bystanders na humabol sa kanya.


Nang maaresto, kinapkapan ang suspek at nakuha mula sa kanya ang diumano ay nakaw na relong nagkakahalaga ng P4,000.

Lumutang naman ang isang Farrel Imperial, tricycle driver, na may-ari ng nasabing relo para maghain ng reklamo.


Nabawi ang relo subalit ang patalim na ginamit sa tangkang pananaksak ay hindi na narekober pa.

Tags: Manila Police District-Station 4

You May Also Like

Most Read