Latest News

Lahat ng proceedings sa PI, sinuspinde muna ng Comelec

By: Baby Cuevas

Sinuspinde muna ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng proceedings na may kaugnayan sa people’s initiative (PI) na naglalayong amiyendahan ang 1987 Constitution.

Mismong si Comelec chairperson George Erwin Garcia ang nag-anunsiyo ng naturang indefinite suspension laban sa proceedings sa naturang inisyatiba sa isang pulong balitaan nitong Lunes.


Ayon kay Garcia, kabilang sa sinususpinde ng poll body ay ang pagtanggap nila ng mga signature forms.

Ipinaliwanag ni Garcia na kailangan nila itong gawin upang maiwasan ang problema, kaguluhan at mga hindi pagkakaunawaan sa interpretasyon ng mga probisyon ng kanilang mga panuntunan.

“Kailangan po ito para maiwasan ang problema, kaguluhan, at hindi pagkakaunawaan doon sa interpretasyon ng probisyon ng ating mga rules,” pahayag pa ni Garcia.


Matatandaang una nang sinabi ng Comelec na hanggang noong Enero 26, 2024 ay nakatanggap na sila ng mga signature forms para sa PI mula sa 1,072 munisipalidad at lungsod sa bansa.


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like