Latest News

Lahat ng lugar sa Pilipinas, low risk na sa COVID-19

INIANUNSIYO ng Department of Health (DOH) na nasa ‘low risk’ status na sa COVID 19 ang lahat ng lugar sa Pilipinas.

“Lahat po ng areas natin ngayon sa ating bansa, maski ‘yung mga nasa ilalim ng Alert Level 2 ay low risk na ang kanilang classification. Patuloy pa nating pinapataas ang ating bakunahan sa mga lugar na nasa Alert Level 2 para makapagpababa pa sila at makarating na at made-escalate sa Alert Level 1,” ayon kay DOH Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang online press briefing.

“Para naman po sa Metro Manila at 39 pang mga area, patuloy pong lumuluwag ang restrictions at mas malaya nang nakakagalaw ang mga tao dahil sa ating high vaccination rate at patuloy na pagsunod sa minimum public health standards,” dagdag pa ni Vergeire.


Gayundin,sinabi ni Vergeire na walang nakikitang bagong ‘wave ‘ ng kaso ng COVID19 ,maging ang SARS-CoV-2 variants.

Hindi pa rin nadi-detect sa bansa ang Deltacron variant at walang ebidensiya na nagpapakita na mayroon adverse effect sa health system ng bansa.

Samantala, nasa 46,256 ang nanatiling aktibong kaso ng COVID19 sa bansa hanggang nitong Lunes.

May 4,131 bagong kaso naman ang naitala mula Marso 7-13 o average na 590 kaso kada araw na 35% mas mababa mula sa mga bagong kaao mula Pebrero 28 hanggang Marso 6.


Sanhi nito, unang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na pinag uusapan na ang mga guidelines sa posibleng paglalagay sa Alert level 0 ng bansa. (Jaymel Manuel)

Tags:

You May Also Like

Most Read