Lagdang binibili para sa Cha-Cha, itinanggi ng DOH

By: Carl Angelo

Mariing itinanggi ng Department of Health (DOH) na napupilitika ang pondo sa kanilang programa na Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP).

Ang paglilinaw ay ginawa ni DOH deputy spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo dahil ang benepisyaryo sa naturang programa ay sumasailalim sa assessment ng rehistradong social workers.


Gayundin, matapos na makatanggap ng report si KABATAAN party-ist representative Raoul Manuel mula sa Urban Poor Coordinating Council na may mga community leaders ang pinalalagda ng form para maisulong ang Charter Change at sinasabing kinakailangan ang lagda para patuloy na makatanggap ng government aid.

Ipinaliwanag ni Domingo na social workers ang tumitingin para sa pangangailangan ng pasyente at kanilang pamilya para. malaman kung magkano ang ipagkakaloob na. pinansiyal na tulong.

“Ang tanging konsiderasyon ng DOH para sa pamamahagi ng tulong medikal para sa mga indigent at financially incapacitated na mga pasyente ay ang kanilang kalagayan na sinusuri ng isang lisensyadong social worker sa isang ospital o health facility,” ayon pa kay Domingo.


Una nang inakusahan nina opposition solon Edcel Lagman at Raoul Manuel ang mga public officials na binibili ang lagda at nililito ang publiko sa pagpapalagda ng dokumentong nagsusulong sa Cha-Cha.

Nagpakita pa ng video si Manuel na ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Tulong Panghanapbuhay Sa Ating Disadvantaged/Displaced workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay ginagamit pambili ng lagda sa Cha-Cha.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like