LADY RIDER, PATAY NANG BUMANGGA SA BARRIER AT MASAGASAAN NG TRAK

By: Baby Cuevas

Nasawi noon din ang isang lady rider nang bumangga sa plastic barrier ang dalang motorsiklo at matapos niyan ay masagasaan pa ito ng trailer truck sa Paco, Manila nitong Martes.

Ang biktimang si alyas ‘Gilagid’ ay ‘dead -on-the spot’ dahil sa matinding pinsalang tinamo sa kanyang ulo.


Nasa kustodiya naman ng mga awtoridad ang driver ng truck na si alyas ‘Luarez.’

Ayon sa ulat ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), dakong alas-3:07 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa eastbound lane ng Quirino Avenue, kanto ng Anakbayan St., sa Paco.

Binabagtas umano ni Gianna ang naturang lugar lulan ng isang Yamaha Mio Soul 1, nang aksidente niyang mabangga ang isang plastic barrier sa lugar, na nagresulta sa kanyang pagsemplang at pagbagsak sa kalsada.


Nagkataon naman umanong kasabay ng biktima ang trailer truck na minamaneho ni Luarez, kaya’t minalas na masagasaan pa siya nito, dahilan upang agad siyang masawi.


Tags: Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU)

You May Also Like