DEAD-on-the-spot ang isang poll officer ng Commission on Elections nang pagbabarilin ito sa bayan ng Piñan, Zamboanga del Norte.
Sa ulat ng Zamboanga Del Norte PNP, Huwebes ng gabi ng lilidahin si Maricel Peralta, 45, Comelec officer sa Mutia, ng nasabing lalawigan.
Ayon sa mga awtoridad, nagmamaneho ng sasakyan at pauwi sa Dapitan City ang biktima kasama ang isang assistant election officer nang barilin ng hindi pa nakikilalang gunman sa ginagawang tulay ng Barangay Lapu-lapu sa Piñan.
Lumilitaw sa pagsisiyasat na madilim ang lugar at nag slow down ang biktima pagdating sa tulay dahil sa mga nakatambak na lupa.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang at posibleng kakikilanlan ng mga salarin. (VICTOR BALDEMOR)














