Latest News

Lacson, presidential bet pa rin ng Partido Reporma sa Comelec

NANATILING kinikilala ng Commission on Election(Comelec) si Presisentiable Senator Panfilo Lacson bilang lider ng Partido Reforma sa kabila na nagbitiw na ito bilang Presidente at miyembro ng partido.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia,ito kasi ang idineklara ni Lacson na partido noong maghain ng certificate of candidacy(COC).

“As far as the Comelec is concerned, ang nabanggit niyo pong kandidato (Lacson) ay kandidato pa rin po noong partido politikal at that time na siya ay nag-file ng candidacy,” ayon kay Garcia.

“Kung ano ‘yung kanyang partido politikal na nakalagay po doon sa kanyang COC kasama na yung nakalakip na certificate of nomination, of acceptance, ‘yun pa rin po ang kinikilala ng Comelec,” dagdag ni Garcia.

Bukod pa sa nakalagay na ito sa mga naimprentang balota ng poll body.

Una nang sinabi ni Lacson na siya ay tatakbong independent candidate. (TSJ)

Tags:

You May Also Like

Most Read