LABORER, PATAY NANG MAHULOG SA BUBONG

By: Baby Cuevas

AGAD na nasawi ang isang construction worker matapos na mahulog sa bubong nang mawalan ng balanse matapos maapakan ang isang sirang panel ng fiberglass roof na kanyang kinukumpuni nitong Miyerkules ng umaga sa loob ng Raymond Transportation Bus Terminal sa Sampaloc, Maynila.

Napag-alaman kay PMSg Archie Venturina, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, nagtamo ng malaking sugat sa ulo ang biktimang si Rodel Llema, 50,tubong Calauag, Quezon at stay-in sa nabanggit na terminal.


Diumano, naganap ang insidente ala- 9 ng umaga habang kinukumpuni ng biktima ang fiberglass roof ng terminal.

Ayon kay Ronnie Eder, kasamahan ng biktima, naapakan umano ni Llema ang isang sirang panel, dahilan para mawalan ng balanse at tuloy- tuloy na bumulusok una ang ulo sa ibaba.

Nasaksihan rin umano ng security guard na si Miguelito Pelipada ang pangyayari kaya kaagad nilang isinugod sa De Ocampo Memorial Medical Center pero idineklara itong dead-on- arrival doon.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like