LABORER, ARESTADO SA TANGKANG PAGGAHASA SA ANAK

By: Baby Cuevas

Arestado ang isang 44-anyos na construction worker na nagtangkang gumahasa sa kanyang 16-anyos na anak matapos na magpamasahe kamakalawa ng hatinggabi sa loob ng kanilang bahay sa 780 Kagandahan St., Tondo, Maynila.

Ang biktima umano ay dumating sa kanilang bahay kung saan andun ang suspek na si Crisanto Arañas y Villanueva, dakong alas -11:15 ng gabi. Nakainom umano ang suspek at tinawag ang anak para magpamasahe.


Habang minamasahe ay hinila ng suspek ang anak, hinubaran at saka hinipo ang ari.

Nagawa ng biktima na maitulak ang kanyang ama at saka tumakbo papalabas ng kanilang bahay at saka humingi ng tulong sa kanilang barangay.

Inaresto naman ang suspek at Itinurn-over sa Manila Police District -Police Station 7.


Sinampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Sec.5 ng R.A 9262 o violation against women and children sa Manila Prosecutor’s ang suspek.


Tags: Manila Police District -Police Station 7

You May Also Like