SA pakikipagtulungan ng PNP Police Regional Office 5 sa National Bureau of Investigation ay nakilala na ang labi ng anim na taong nahukay sa isang gravesite sa Zone 6, Brgy. Molosbolos, Libon, Albay.
Kinilalang sina Gilbert Quinzon; Glenn Quinzon, kapwa residente ng of Brgy. Tagas, Daraga, Albay; Isabel Razon Mesija ng Brgy. Pag-asa, Rawis, Legazpi City; Jonald Señadan ng Brgy. Nogpo, Libon, Albay, Marlon Ansay, at Nerwin Ansay kapwa residente ng Brgy. Baliuag, Minalabac, Camarines Sur
Nitong nakalipas na linggo ay nakipag-ugnayan ang Libon MPS sa National Bureau of Investigation hinggil sa resulta ng forensic examination na ginawa sa Recovered specimens mula sa tatlong skeletal remain at tatlong naagnas na bangkay .
Sa ibinahaging report ng NBI sa kapulisan, sinasabing positibong kinilala ang anim na labi base sa primary and secondary parameters,(Primary Parameters- DNA, Fingerprint and Dental Records) ; Secondary Parameters- Clothing, personal effects or belongings, body markings, tattoos, birthmarks, deformities and injuries).
Una rito nagsagawa ng exhumation ang pinagsanib na pwersa ng Libon MPS, NBI Regional Office 5, CIDG Albay PFU, 49IB, RIU5, 1st Albay PMFC at 93SAC sa pakikipag ugnayan sa i Brgy. Officials ng Brgy. Molosbolos, Libon, Albay
Ang mga nahukay na labi ay sinasabing biktima umano ng Concepcion Criminal Gang ayon sa Libon PNP base sa kanilang pagsisiyasat. (VICTOR BALDEMOR)