“Lab for all” ni First Lady Marcos, inilunsad sa Balanga, Bataan

By: Carl Angelo

Pinangunahan ni First Lady Liza Araneta -Marcos, ang paglulunsad ng “Lab for All” caravan, katuwang ang Department of Health (DOH) at iba pang National Government Agencies (NGAs),kamakalawa sa Balanga, Bataan.

Ang caravan na ito ay inisyatibo ng administrasyong Marcos upang magpaabot ng libreng serbisyong pangkalusugan kagaya ng pamamahagi ng mga gamot at konsultasyon para sa pediatrics, obstetrics, gynecology, ECG, dental extraction, minor surgeries, eye check-up, at iba pa.

Bukod sa mga lokal na opisyal ng Bataan, dumalo rin sa pagpapatupad ng LAB for ALL ang iba pang ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Commission on Higher Education (CHED), Food and Drug Administration (FDA) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).


“Ang LAB for ALL ay isang programang ipinapatupad ng gobyerno upang mapalawak ang primary care services sa bansa, kung saan bawat Pilipino – saanmang sulok ng bansa ay ramdam ang kalusugan dahil sa Healthy Pilipinas, Bawat Buhay ay Mahalaga!” ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa.

Tags: First Lady Liza Araneta-Marcos

You May Also Like

Most Read