Ininsulto ng Isang netizen ang pag-arte ni Kylie Padilla.
Hindi kasi daw nito nagustuhan ang akting ng anak ni Senator Robin Padilla kaya tinawag niya ito na “banong starlet.”
Say ng basher: “@kylienicolep masama b n sabihan kitang banong starlet? Bwahahahaha”
Pero malumanay namang sinagot ni Kylie ang basher.
“Of course you have the right to your opinion,” ang mapagkumbabang sagot ng aktres sa komento.
Dagdag pa ng aktres: “Ako ay nagtatrabaho lamang. Wag nyo po masyado istressin ang sarili nyo. all love and peace.”
“And thanks to everyone who feels like they have to defend me. Luckily I’ve developed a thick skin from showbiz pero naappreciate ko kayo each and everyone of you.”
Na-impress tuloy ang netizens sa naging sagot ni Kylie.
Napuri pa nila ang aktres na akala raw nila , tatarayan nito ang basher, pero nakakaunawa raw pala ito sa opinyon ng iba.