Kylie Padiila umaming muntik maging alcoholic nang makipaghiwalay kay Aljur

By: Gerry Ocampo

HINDI napigilan maging emosyonal  ni Kylie Padilla habang ibinabahagi niya ang nangyari sa kanilang paghihiwalay ni Aljur Abrenica.
Sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay natanong siya ni Kuya Boy kung anong importanteng leksyon ang natutunan niya sa naging relasyon nila ni Aljur.
“Medyo cliche, eh, but  I  wish nagtira ako para sa sarili ko kasi I gave my all  talaga,” panimula ni Kylie.
“Kaya tinanong ko bakit  nagbabago because, for a time, sa relationship namin, there was a point in my life na dadaanan ninyo. Dadaanan ninyo talaga as people in relationship, you go through, you know, struggles, meron talaga. Kasama talaga yun.
“But because I made the promise of marriage, even if sabi ko sa sarili ko. `Okay. If  I`m  unhappy now and  magiging ganito na yung setup namin ipaglalaban ko pa rin para sa mga anak ko,” patuloy ni Kylie na nagsisimula nang maging emosyonal.
“Inubos ko and nauwi rin sa hiwalayan.” aniya.
Dahil galing din siya sa broken family, hanggang maaari ayaw sanang mangyari rin ito sa marriage niya at nangako sa sarili na talagang ipaglalaban niya ang kanyang marriage.
“ I  made a promise talaga to myself, eh. Kahit na I  went postpartum noon and postpartum was very  hard, a very difficult  thing for  a  woman to go through, pero ipinaglaban ko pa rin hanggang sa dulo na paninindigan ko yung ginawa namin na kasal  and the fact na wasn`t   returned, masakit  sa akin yun,” aniya.
Pero ayun nga, nangyari na ang nangyari at wala naman daw siyang pagsisisi on her part.
“Walang pagsisisi kasi my kids have really a good relationship  with their  dad  until now. And  one thing that  I don`t  want them to go through is wala silang tatay or maramdaman nila na wala silang tatay, so wala akong pagsisisi,”say niya.
“Saka I  don`t  wanna hold my ex. Aljur  in a negative light. Never ever. Magre-reflect  yun sa akin,” say pa ng anak ni Robin Padilla.
Dahil na rin sa pagmamahal niya sa kanyang mga anak ay nagawa niyang paglabanan o lampasan ang pagkalulong sa paniningarilyo at pag-inom ng alak.
Nagpasalamat din siya sa kanyang Ate Quennie na siyang tumulong para matigil siya sa pagkagumon sa alak.
Ngayon ay balik-trabaho si Kylie and this time,  hinding-hindi na siya madadapa para na rin sa kaniyang anak.
Tags: Kylie Padilla

You May Also Like

Most Read