NI BETH GELENA
NATATAWANG nasabi ni Kylie Padilla na kung hindi raw siya artista ngayon, malamang ay isa siyang sniper.
Nag-post si Kylie sa kanyang IG ng photo ng kanyang naging target sa ginawa niyang target shooting na may layong 20 feet.
Kaya naman marami ang napabilib sa husay ng anak ni Senador Robin Padilla sa paghawak ng baril.
“If I wasn’t an actress I’d be a sniper,” say ni Kylie.
Komento ng netizens: “Wow! Sharp shooter.”
“Wow astig ka tlga idol?? God bless po sa career at sa pagiging mommy.”
“Pwede ka naman maging sniper kahit artista ka pa, sa galing mo na yan!… sana may pagsamahan pa kayo ng papa mo na action movie!”














