Kuya, tinarakan dahil sa alagang aso, patay

Patay ang isang 63-anyos na lalaki matapos na saksakin sa dibdib ng kanyang nakababatang kapatid na babae, dahil sa pagtatalo sa kanilang alagang aso,kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni PSMs Jansen Rey San Pedro, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, ang biktimang si Rommel Imperial, residente ng 508 Pavia St.Tondo, Maynila.


Habang arestado naman ang kanyang kapatid na si Roxanne Clowers Y Imperial,49 at nakatira rin sa bahay ng biktima.

Sa imbestigasyon,alas 5:20 ng hapon,sa loob ng bahay ng biktima at suspek.

Nabatid na nagkaroon umano nang pagtatalo ang magkapatid dahil sa alaga nilang aso hanggang kumuha ng kitchen knife ang suspek at inundayan ng saksak sa dibdib ang kanyang kuya.


Isinugod ang biktima sa Mary Johnston Hospital pero binawian ng buhay alas 6:15 ng gabi.

Sinampahan naman ng kasong homicide sa Manila Prosecutors Office ang suspek. (Arsenio Tan)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like