Latest News

Kubol sa prison facilities ng bansa, pinaalis ni Catapang

By: Baby Cuevas

Iniutos ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na tanggalin ang lahat ng Kubol na inilagay sa lahat ng prison facilities sa bansa.

Sinabi ni Catapang na bahagi umano ito ng hakbang ng BuCor na maalis ang mga kintrabando sa loob mga bilangguan.

“We ask them to demolish it for transparency… We need to do this so that we can confiscate contrabands still in possession of PDLs. They are fully aware that we have given them chances to surrender all their contrabands but if they still refuse and they are caught red handed, I’m sorry to say that they will have to stay longer at NBP as we will not hesitate to file charges against them,” ayon kay Catapang.

Nalaman na may 60 kubol sa loob ng New Bilibid Prison(NBP) ang boluntaryo na tinanggal kabilang na ang nasa security housing building 1 at 6 NBP North, SHB 9NBP East Quadrant 4 at SHB 7 NBP West Quadrant 2, habang patuloy ang oag alis sa mga Kubol sa Quadrant 3 Maximum security compound.

Nagbanta si Catapang na sa Agosto 21,aalisin ng mga tauhan ng Bucor personnel from the Diversified Maintenance Unit ,ang mga hindi pa naalis na kubol sa loob ng NBP.

Inatasan ni Catapang si bagong talagang Deputy Director General for Operations, Gil Torralba na pangunahan ang operasyon, gayundin sa Greyhound (Galugad) operation na regular na isinasagawa sa loob ng NBP.

Tags:

You May Also Like

Most Read